sa wakas tapos na...tapos na rin ang hell week!! di pa tapos
yung class and may mga requirements pang dapat asikasuhin pero at least di na kasing
bigat gaya nung last week..
alam kong wala pa yun sa kalingkingan nung mga na-experience ng ibang
estudyante pero kasi para sa kin sobrang bigat nung nakaraang linggo. first time ko lang
maranasan yung matulog ng alas tres ng madaling araw tapos gigising ng 5 or 6am..ang
tindi nun...yung para bang gusto ko na maiyak sa pagod..yung tipong nakaka-tempt iwanan
na lang yung mga gawain mo nang di pa tapos? Yun nga lang alam mong hindi naman pwede kaya wala ka din namang choice kundi tapusin yun...
buti na lang talaga tapos na...ang sarap ng feeling na 10pm pa
lang nakahiga na ko tapos 9am na ko gigising kinabukasan..ilang araw ko na din to
ginagawa,in fairness...
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
pero actually nagstart na ko ma-bore...para kasing walang nangyayaring
matino sa buhay ko kapag wala akong ginagawa..grabe ang gulo ko..ayaw kapag busy
tapos ayaw din kapag free..pero kasi eh..nakakabagot..nakatunganga lang ako buong
araw..nakakatamad lalong kumilos kapag alam mong wala ka namang
planong gawing kahit ano...
haay ang boring..wala pa kong makausap dito sa bahay.kaya ito
na lang blog ang paglalabasan ko ng laman ng isip ko..yung aso ko lang din kasi
ang available na kausap dito ngayon..
hindi pa nagbabakasyon pero gusto ko na agad pumasok..
No comments:
Post a Comment