Wednesday, March 20, 2013

negative externality

"An externality arises when a person enganges in an activity that influences the well-being of a bystander but neither pays nor receives any compensation for that effect. If the impact on the bystander is adverse, it is called a negative externality."

......yung feeling na kaninang umaga pag alis ko ng bahay para pumasok ng school, may nag-kakaraoke kaming kapitbahay...tapos pag-uwi ko, ganoon pa din ginagawa nila....at ngayong tulog na halos lahat ng tao sa bahay, hindi pa rin sila tumitigil!!! I won't give up ba ang peg mga ate??!!!

......okay naman sana eh...okay lang talaga, kung hindi pauulit ulit yung kanta....okay lang kung hindi pangit yung choice of songs nila...at lalong mas okay kung hindi sila puro mga SINTUNADO!!! yung tipong PUSONG BATO na nga lang, sumesemplang pa!!! mga ate,,,autotune ata kelangan niyo eh..

......hindi naman sa pagmamayabang kasi kahit ako hindi kagandahan ang boses..wala din naman masama sa pagsasaya pero ano ba naman yung pakihinaan ng konti yung pagtula este pagsigaw este pagkanta pala nila...please.hell week ko po ngayon...hayaan niyo naman po akong makapag-concentrate...nagmamakaawa po ako..at kung hindi talaga kayo papapigil,,pwede pumili ng magandang kanta?? hindi yung sinisigaw niyo yung lyrics ng mga bastos na kanta ni ^&%*)# @?? 

please nakakagambala po kayo...

No comments:

Post a Comment