Friday, March 1, 2013
crush
napatunganga nang bigla kitang makita pagkalipas ng mahabang panahon
highschool pa tayo nung una kang makilala.....*
Ay mali..elementary pa lang pala ako nung una kitang na-meet. elementary as in grade one elementary. Grade four ka na noon, tanda ko. Estudyante ka ni mama eh. Sikat na sikat ka noon sa school. Yung mga kapatid at pinsan mong babae lang yata ang walang crush sa'yo. Paano ba naman kasi, gwapo ka, matalino, magaling sumayaw, maganda mag-drawing at higit sa lahat, iba talaga epekto mo sa kanila. I mean, sa amin pala. Noong mga panahonh iyon, di na nakakagulat kapag nalaman kong may nadagdag na naman sa listahan ng tagahanga mo. Normal na yun.
Hindi ko alam kung dahil ba estudyante ka ni mama at ka-close ko halos lahat ng kapatid mo kaya nagkaroon ako ng pribilehiyo na mapalapit sa'yo. Kapag may family outing kayo, madalas imbitado din pati pamilya ko. Pati pala mga magulang at kamag-anak natin close din. Kapag sineswerte nga naman.
Tatlong taon din tayo nagsama..Oo, tatlong taong nagsama sa school. Bus mate pa nga kita eh. At kahit noong lumipat na ako ng eskwelahan, crush pa din talaga kita. Pinagkakamalan na nga akong tibo nung mga kaklase ko kasi di daw ako nagkakagusto sa mga lalaki sa school. Di lang nila alam na may iba na akong tipo.
Problema lang talaga sa'yo yung kalandian mo. Flirt ka din kasi. Kahit sa kin. Ayan tuloy ang tagal bago nawala yung pagkagusto ko sa'yo.
Nakita kita kagabi na nakapila sa may sakayan ng tricycle. Pagkakita na pagkakita ko pa lang sa'yo meron agad akong naramdamang kakaiba. Isa yung matinding pangangailangan, pangangailangang tumakbo papalayo at magtago hanggang sa makaalis ka at saka ako sasakay pauwi. Di ko alam kung bakit pero simula nung makita kita ulit, para bang gusto ko palagi umiwas. Ayoko ko kapag nakikita kita, kapag lumalapit ka sa akin, kapag kinakausap mo ko lalo na kapag sumasabay ka kapag nagbyabyahe ako. Matagal na ko walang gusto sa'yo so siguro nakakapagtaka kung bakit ang tindi ng epekto mo sa kin. Sa totoo lang di ko din sigurado kung bakit. Basta ang alam ko lang, ang weird. Ang creepy talaga. Ang creepy ng feeling kapag nakikita kita, kapag lumalapit ka sa akin, kapag kinakausap mo ko lalo na kapag sumasabay ka kapag nagbyabyahe ako. Dati sa'yo lang naka-focus 'tong mga mata ko. At ngayon,well super focused pa rin siya sa'yo. Sa sobrang focus nga eh nakikita ko na lahat ng mga di ko napansin sa'yo noon, yung height mo, yung kapayatan mo, yung mga kilos mo na nagiging dahilan kaya ka napagkakamalang gay at marami pang iba.
Ang hirap kasi talaga kapag bata, no? Ang liit ng mundo mo. Noon para sa akin umiikot lang yun sa family ko, elementary school natin (na may kulang kulang 200 lang na estudyante) at syempre sa'yo. At dahil ganoon nga lang kaliit ang mundo ko, kayo-kayo lang ang nakikita ko. Wala lang din talaga sigurong choice yung mga fan girls mo, tutal kaunti lang naman kayong lalaki sa school eh. Pero iba na ngayon. Sobrang laki na ng mundo ko (at mukhang di ka na kasama dun). Sobrang dami ko na ring nakikilalang iba'tibang klase ng tao. Di ko na masasabi na "no choice" ako sa mga taong nagugustuhan ko. At hopefully, sa mas malawak ko na mundong ito, makakilala pa rin ako ng isang tao na pagtuunan ko talaga ng focus at yung pagtutuunan din ako.
*Alumni Homecoming by Parokya ni Edgar
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment