bad trip
sa mga oras na to patapos na yung debut party ng kabarkada
ko..grabe..gusto ko talagang sumama pero di naman pwede..nakakaasar..alam mo yung
feeling na ikaw lang dun sa mga kaibigan mo yung di nakapunta?
pilit ko na nga lang
kinakalimutan yung paguusap namin ni mama at yung pagtanggi nya na payagan akong
pumunta..pag inisip ko kasi lalo lang akong mababadtrip...
ang sabi niya di daw ako pwede pumunta kasi malayo...sabi ko, eh di mag-oovernight ako...sabi niya, di raw pwede kasi babae ako...sabi ko,..........................
okay,,so wala na ko nasabe...wala naman kasing connect eh...pag tinatanong ko siya kung bakit yung kapatid ko pwede sa mga ganung bagay,sasabihin niya na lalaki daw kasi yun...tapos ako, okay...so ano kung lalaki yun? anong meron sa pagiging babae ko at di ako pwede makitulog sa bahay ng kaibigan ko..babae naman yun ah..
nakakapikon lang talaga...
No comments:
Post a Comment