Tuesday, March 19, 2013

no energy, tired, pagod

kung meron mang isang word to describe my day, syempre yun ay walang iba kundi PAGOD. Dadating ka ng 4.30 ng umaga from OCLA, Tapos instead na magpahinga, derecho aral ka for an exam later the same day. Oo, may exam kami. Hindi ko nga alam kung aral bang maituturing yung ginawa ko during the trip eh. Pagkatapos pasok ka class para magpasa ng probset sa Accounting. After Accounting, review na naman for the exam in Economics sabay gawa na din ng probset sa Econ. Kung tutuusin, konti lang naman talaga itong mga ito. Kayang kaya naman talaga siya kung hindi lang talaga ako sobrang inaantok ngayong araw. Hindi ko alam kung nakatulog ba ako sa byahe or what. Para kasing nakaupo lang ako nun at nakapikit habang hinihintay ang tulog na hindi naman dumating. Sa sobrang antok ko para bang gusto ko na mag-nap habang sumasagot ng exam. Bumabagsak talaga yung ulo ko tapos yung mga words sa test paper, umiikot!! Parang hindi tuloy nakayanan ng utak ko na i-process lahat ng mga tanong. Goodluck naman sa grade ko. And to top it all, yung feeling ang dumi dumi ko!! Paano ba naman, kahapon pa kami ng umaga naligo. Yes, kahapon pa ng umaga. Before yun umalis ng resort. Hindi naman kasi dormer yung iba sa amin so wala kaming mapagliliguan sa school. Dinaan na lang talaga sa palit ng damit at konting pabango.

Enjoy naman talaga yung trip. First time ko mag-travel ng ganoon kalayo. Hanggang Intramuros at Luneta lang kasi ako dati eh. Feeling ko tuloy, sa mga susunod na araw puro tungkol sa trip na ito ang blog ko. Anyway, fun talaga siya, kung hindi lang talaga ako sabaw sa sobrang pagod. XD

No comments:

Post a Comment