Sunday, February 24, 2013
Weird
Simula nung nag-high school ako, ang ami na nagsasabi na weirdo ako. Ang totoo nung una wala naman akong pakialam. Kebs lang naman since nung una ang tinutukoy lang nila na weird sa akin is yung pagiging childish ko. Hindi siya yung childish na stubborn o kaya selfish. Childish siya as in…childish. para daw akong bata kumilos. Pero bakit ba? Pakialam ba nila? Hindi naman kasi ako nagmamadali na tumanda. Ang sa akin kasi, as long as hindi pa ko 18, bata pa ako. Hindi ko nga maintindihan yung iba na madaling madali na magmukhang mga woman. Yung tipong gusto agad nila na magmukhang nasa early twenties. Tapos kapag nag-thirty na sila gusto naman nila magmukhang bata. Yung tipong early twenties ulit. In fairness, ang gulo ah. It’s either sila yung weirdo o masyado lang talaga ako simpleng mag-isip. Well kaya nga tinawag na isip-bata eh. Di naman kasi kailangan gawing komplikado ang lahat diba? Pwede naman yung simple pero masaya. Hmmph..Ewan ko sa kanila.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment