The best ang camping last week!!!! The hell!! Kahit na feel na feel ko ang pagpayat at ang pagluwag ng pants ko, okay na okay lang!!! Kahit puro de lata at sardinas ang pagkain, keber na keber…hahaha..sana maulit talaga kahit alam kong di na…hmmph…miss ko na agad mga kagrupo ko.di ko akalaing mga gentlemen din pla yung mga yun..sila pa talaga yung gigising ng 4 am para magluto samantalang kaming mga babae alas singko na tulog pa!! Hahaha…
Saya din makatanggap ng award, I mean awards pala..di namin yun ineexpect..
Dami ding first time na naexperience sa camp! First rime pumunta sa Elbi..first time kumain ng sardinas na instead na sa sibuyas eh sa bawabg ginisa..first time ma-try magpadausdos (slide) sa mala- bangin na slope para lang manalo sa race! Ang dumi ng pwet ng pants ko..magsimba ng di man lang naghihilamos..lastly, first time mag hitch sa sasakyan ng kung sino sino para lang umabot sa misa!! Nakisakay sa truck papuntang simbahan tapos sa isang napadaan na bus pabalik sa camp…di ko alam kung dahil Linggo kaya ganun pero ang bait ng mga tao, in fairness ah..di man lang kami naisipang i-kidnap…hehe
Thankful din na kahit dalawang oras kami tumatakbo sa map navigation at 6 hrs nag-trek sa bundok, hindi ako inatake ng asthma!! Natuwa din siguro yung lungs ko kaya ayun nagpakatino..sana lagi na lang tong ganito..good girl ka, lungs..i love you na!
Grabe.kahit pagod na pagod at sobrang sakit ng katawan masasabi ko na never kong ipagpapalit yung experiences ko dun..the best camp ever!
No comments:
Post a Comment