Thursday, February 28, 2013

gutom lang yan




currently stressed dahil sa acads at sa nagdaang eleksyon..sana naman manalo ang manok ko...haii...break time muna..
Snack time na!! YUM YUM YUM!
courtesy of ******* Hotel...hehe..salamat sa masarap nyong cake!! XD


Tuesday, February 26, 2013

ever enough

Just finished reading The Fault in Our Stars by John Green..best book I've read so far! And so, I dedicate this song to my beloved Augustus Waters..


Ever Enough by A Rocket to the Moon

No I'm never gonna leave you darling 
No I’m never gonna go regardless 
Everything inside of me, is leaving in your heartbeat 
Even when all the lights are fading 
Even then, if your hope was shaking 
I’m here holding on 

Chorus: 
I will always be yours for ever and more 
Through the push and the pull 
I still drown in your love 
And drink till I’m drunk 
And all that I’ve done, is it ever enough 

I’m hanging on a line here baby 
I need more than ifs and maybes 
We’ll come down from the highest heights 
Still searching for the reason why 
And now I know what it’s like, 
Reaching from the other side 
After all that I’ve done 

Chorus: 
I will always be yours for ever and more 
Through the push and the pull 
I still drown in your love 
And drink till I’m drunk 
And all that I’ve done, is it ever enough 

For all that it’s worth, is it worth it? 
Cause more than it’s hard to desert it 
For all that it’s worth, is it worth it? 
How do we know without searching? 

I will write you this song to get back what’s ours
Would that be enough? 

Chorus: 
I will always be yours for ever and more 
Through the push and the á¹—pull 
I still drown in your love 
And drink till I’m drunk 
And all that I’ve done, is it ever enough 

For all that it’s worth, is it worth it? 
Is it ever enough? 
How could we know without searching? 
Is it ever enough? 


......some infinities are bigger than other infinities...

Sunday, February 24, 2013

Weird

Simula nung nag-high school ako, ang ami na nagsasabi na weirdo ako. Ang totoo nung una wala naman akong pakialam. Kebs lang naman since nung una ang tinutukoy lang nila na weird sa akin is yung pagiging childish ko. Hindi siya yung childish na stubborn o kaya selfish. Childish siya as in…childish. para daw akong bata kumilos. Pero bakit ba? Pakialam ba nila? Hindi naman kasi ako nagmamadali na tumanda. Ang sa akin kasi, as long as hindi pa ko 18, bata pa ako. Hindi ko nga maintindihan yung iba na madaling madali na magmukhang mga woman. Yung tipong gusto agad nila na magmukhang nasa early twenties. Tapos kapag nag-thirty na sila gusto naman nila magmukhang bata. Yung tipong early twenties ulit. In fairness, ang gulo ah. It’s either sila yung weirdo o masyado lang talaga ako simpleng mag-isip. Well kaya nga tinawag na isip-bata eh. Di naman kasi kailangan gawing komplikado ang lahat diba? Pwede naman yung simple pero masaya. Hmmph..Ewan ko sa kanila.

Friday, February 22, 2013

the thing

I was lying in the living room floor with my face in my mother's chest. I was pleading for her to stop talking about the boy. He was in the other room holding out a ball to whoever happens to see him. He was always there and the thought scares me to death. I don't want to see the ghost.

That was my dream before I woke to footsteps outside the window. I was desperately trying to convince myself that it was of a cat's but the steps were too loud and heavy to ever belong to a kitty. It was two in the morning. Anyone in his proper mind will not go strolling at this hour. I started to sing Hosanna in my head praying that worship songs will scare the thing away instead of it scaring me. I even thought my voice beautiful.

I was supposed to study at three am for a quiz in the morning. I was too tired the other night to review. I decided to go back to my dreamworld since the thing's s really scaring the hell out of me. After humming another song, I dozed off.

Creepy encounter = failure to study = shitty test result. Damn.

Thursday, February 21, 2013

Si Kuya sa may Tulay

Nakita ko na naman siya kanina,si Kuya sa may tulay sa Pasay. Pangatlong beses ko pa lang siyang nakikita pero di ko na mapigilan na mapatingin at mapatitig, sa malayo pa lang. Sa totoo lang nung unang beses ko pa lang siya nakita,di ko na malaman kung paano ang safe na paraan para tingnan siya. Safe in a way na walang makakakita sa akin na nakatitig sa kanya. Sa tingin ko araw-araw siyang nandoon. Nagkataon lang na tuwing Wednesday at Friday lang ako sumasakay ng dyip sa Pasay. Kapag TTh kasi late ang uwi ko at ayaw ko naman magpa-abot ng gabi dun,delikado.
Andun siya sa may footbridge sa tabi ng mrt. Naka-upo,nag-aabang,naka-angat ang mga kamay,namamalimos. Kung tutuusin wala namang nakakagulat doon. Normal na yata ang mga gaya niya sa buong Kamaynilaan. Nung minsan nga foreigner pa ang naabutan ko eh. “I wanna go home”,nakasulat sa cardboard na hawak nung Kano. Pero iba naman kasi itong si Kuya sa may tulay. Hindi siya foreigner,di maputi,at wala ding hawak na cardboard may Ingles na mensahe para sa lahat. Baso lang ang hawak ni Kuya. Pero ano talaga ang kapansin-pansin sa kanya? Wala siyang mukha.
Alam ko naman na may mga ganoong kaso sa mundo. May napanuod ako nung minsan sa TV, mama na nakuryente. Pero sa tulong naman ng mga concerned citizen,nakapag-paplastic surgery ata yung mama. Pero itong si Kuya sa tulay,mukhang hindi. 
Iniisip ko,sino kaya kasama niya pumunta dito? May susundo kaya sa kanya mamaya pag-uwi? Kumain na kaya siya? Bakit wala man lang siyang dalang payong?Yung mga mama kaya sa tabi niya, kasamahan niya?Okay lang“` ba si Kuya?
Sa totoo lang,gusto ko talaga siya tingnan nang maigi,nang malapitan. Yun nga lang di ko ba alam kung bakit di ko magawa. Kahit tinuturuan ko yung sarili ko na wag maawa sa mga kagaya niya (nakakaawa na kasi sila as it is,ayaw ko na dumagdag pa) ,di ko ata kaya. Gusto ko siya lapitan at bigyan ng kaunting tulong, pero kasi kakaiba yung naramdaman ko. Tumingin siya bigla sa direksyon ko at kahit alam kong di posible, pakiramdam ko nakatingin siya sa akin. At infairness, lahat nang ito tumakbo sa isip ko sa loob ng sampung segundo.Posible ba yun? Siguro. 
Sa mga susunod na araw,inaasahan ko na makikita ko pa rin siya. Andun sa isang sulok, naghihintay ng awa samantalang ang mga tao sa paligid niya, kasama na ako ay madaling madali sa paglalakad para umiwas sa matinding init ng araw,para makasakay na ng dyip at makauwi sa kani-kanilang bahay. Lahat ng ito gagawin nila (o namin) nang di man lamang nagbibigay ng kahit isang sulya kay Kuya sa may tulay.

the camp

The best ang camping last week!!!! The hell!! Kahit na feel na feel ko ang pagpayat at ang pagluwag ng pants ko, okay na okay lang!!! Kahit puro de lata at sardinas ang pagkain, keber na keber…hahaha..sana maulit talaga kahit alam kong di na…hmmph…miss ko na agad mga kagrupo ko.di ko akalaing mga gentlemen din pla yung mga yun..sila pa talaga yung gigising ng 4 am para magluto samantalang kaming mga babae alas singko na tulog pa!! Hahaha…
Saya din makatanggap ng award, I mean awards pala..di namin yun ineexpect..
Dami ding first time na naexperience sa camp! First rime pumunta sa Elbi..first time kumain ng sardinas na instead na sa sibuyas eh sa bawabg ginisa..first time ma-try magpadausdos (slide) sa mala- bangin na slope para lang manalo sa race! Ang dumi ng pwet ng pants ko..magsimba ng di man lang naghihilamos..lastly, first time mag hitch sa sasakyan ng kung sino sino para lang umabot sa misa!! Nakisakay sa truck papuntang simbahan tapos sa isang napadaan na bus pabalik sa camp…di ko alam kung dahil Linggo kaya ganun pero ang bait ng mga tao, in fairness ah..di man lang kami naisipang i-kidnap…hehe
Thankful din na kahit dalawang oras kami tumatakbo sa map navigation at 6 hrs nag-trek sa bundok, hindi ako inatake ng asthma!! Natuwa din siguro yung lungs ko kaya ayun nagpakatino..sana lagi na lang tong ganito..good girl ka, lungs..i love you na!
Grabe.kahit pagod na pagod at sobrang sakit ng katawan masasabi ko na never kong ipagpapalit yung experiences ko dun..the best camp ever!